Kinumpirma kamakailan ni Tsai Ing-wen ng Taiwan ang presensya ng tropang Amerikano sa Taiwan para tumulong sa pagsasanay.
Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 28, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang anumang uri ng opisyal at militar na ugnayan sa pagitan ng Amerika at Taiwan.
Ani Wang, ang pagsusulong at pagsuporta sa “pagsasarili ng Taiwan” ay tiyak na walang patutunguhan.
Ang mga mamamayang Tsino ay mayroong matatag na kapasiyahan at mithiin, at malakas na kakayahan upang pangalagaan ang soberaniya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, dagdag niya.
Salin:Sarah
Pulido:Mac