Nag-tweet nitong Huwebes, Oktubre 28, 2021 si Ministrong Panlabas Bruno Rodriguez ng Cuba bilang pagkondena sa deklarasyon ng pamahalaang Amerikano na sumisira sa pagkakaisa at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Inulit niyang buong tatag na kinakatigan ng panig Cuban ang Prinsipyong Isang Tsina, at tinututulan ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Kaugnay nito, inihayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang lubos na papuri ng panig Tsino sa kaukulang pahayag ni Rodriguez.
Aniya, ang One China principle ay unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig, at pundamenal na norma sa relasyong pandaigdig na kinikilala ng publiko, hindi dapat ito pilipitin at hamunin.
Salin: Vera
Pulido: Mac