Inilabas kamakailan ng Tsina ang White Paper on Responding to Climate Change: China’s Policies and Actions.
Ito ang ikalawang pagpapalabas ng Tsina sa antas na pambansa ng white paper hinggil sa pagharap sa pagbabago ng klima sapul noong taong 2011.
Sa temang ito, ipinakita ng Tsina ang malakas na kapasiyahan at aksyon.
Mula noong Ika-12 Panlimahang Taon Plano (2011-2015), inilagay ng Tsina ang pagharap sa pagbabago ng klima sa plano ng pag-unlad ng bansa, at sa kasalukuyan, ito ay naging pambansang estratehiya ng Tsina, at natamo na ang maraming bunga.
Bukod dito, aktibong sumasali ang Tsina sa pandaigdigang pagsasa-ayos ng daigdig, na nagbibigay ng ambag para sa pagharap ng buong mundo sa pagbabago sa klima.
Sa hinaharap, patuloy na iginigiit ng Tsina ang prinsipyo ng komon ngunit magkakaibang responsibilidad, multilateralismo at isusulong ang kooperasyon at win-win, para tulungan ang matatag at pang-malayuang pagsasakatuparan ng Paris Agreement.
Salin:Sarah
Pulido:Mac