Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina ma isinapubliko nitong Huwebes, Oktubre 28, 2021, 64 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Kabilang dito, 16 ang galing sa labas ng bansa, at 48 naman ang domestiko.
Samantala, isa ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso na galing sa labas ng bansa.
Batay pa sa datos, 701 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland, samantalang 4,636 naman ang mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Mac
39, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese maniland: 23, domestiko
59, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland Oktubre 26: 50 domestikong kaso
Beijing, ipinalabas ang COVID-19 playbook para sa 2022 Winter Olympics and Paralympics
30 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland Oktubre 19; 17 domestikong kaso