Nag-issue kahapon ang Komiteng Tagapag-organisa ng Beijing Olympic and Paralympic Winter Games, International Olympic Committee (IOC) at International Paralympic Committee (IPC) ng playbook ng COVID-19 para sa gaganaping 2022 Winter Olympics and Paralympics.
Napag-alamang merong dalawang uri ang playbook, isa ay para sa mga atleta at pinuno ng mga koponan, at ang isa naman ay para sa ibang mga kalahok ng Olympiyada gaya ng brodkaster, pederasyong internasyonal, marketing partners, Olympic and Paralympic family members, press at iba pang may kinalamang tao.
Ayon kay Han Zirong, Vice President at Secretary General ng Beijing Organizing Committee, sa proseso ng paggawa playbook, ginawang unang priyoridad ang kalusugan ng lahat ng kalahok, hindi lamang igagarantiya ang kaligtasan ng mga atleta kundi rin ang mga mamamayang Tsino. At inilakip nila ang mungkahi ng dalubhasa, karansan ng mga paligsahang internasyonal at patakaran ng COVID-19 na ipinatutupad ngayon sa Tsina. Magsisikap aniya ang Tsina kasama ng ibang stakeholders para ibayo pang mapabuti ang playbook at ihatid ang isang maayos, ligtas at kahanga-hangang paligsahan.
Salin: Sissi
Pulido: Mac