Upang maisulong ang “pulitikal na pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus,” ipinalabas kamakailan ng Office of the Director of National Intelligence (ODNI) ng Amerika, ang deklasipikadong bersyon ng ulat tungkol sa pinagmulan ng coronavirus.
Subalit, sa kabila nito, ang kooperasyon at pagtutulungan pa rin ang komong palagay ng buong daigdig sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Naninindigan ang daigdig na ang pagkakaisa ang tanging susi para matamo ang tagumpay sa paglaban sa pandemiya.
Kaya, dapat agarang itigil ng Amerika ang munipulasyong pulitikal, at suportahan ang siyentipikong pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
At bilang “pinakabigong bansa sa paglaban sa COVID-19,” dapat tanggapin ng Amerika ang pananaliksik ng mga eskperto ng World Health Organization (WHO) upang malaman ang tunay na pinagmulan ng coronavirus.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio