5G, gagamitin sa Beijing Winter Olympics

2021-11-01 16:18:22  CMG
Share with:

5G, gagamitin sa Beijing Winter Olympics_fororder_f579f452f24b4232a6c256de1da6efce

Mula sa Oktubre hanggang Disyembre 2021, idinaraos ang serye ng mga pagsubok  kaugnay ng 2022 Beijing Winter Olympic Games sa tatlong sona ng kompetsiyon gaya ng Beijing, Yanqing at Zhangjiakou.
 

Layon ng mga ito na komprehensibong subukin ang ilang teknolohiyang tulad ng 5G na gagamitin sa maraming gawain sa Olimpiyada.
 

Kaugnay nito, sa kasalukuyan ay umaabot sa mga 900M/S ang bilis ng pag-download, samantalang nasa 200M/S ang bilis ng pag-upload sa lugar ng National Aquatics Center o Water Cube.
 

Ayon sa grupong pantelekomunikasyon, titipunin nila ang mungkahi ng mga mamamahayag, atleta at opisiyal, at hahanapin ang mga lugar na may mahinang signal, upang makapagbigay ng mas mainam na serbisyo para sa mabuting pagdaraos ng Beijing Winter Olympic Games.
 

Samantala, malawakang ginagamit ang teknolohiya ng 5G sa lohistika,  pagpasok-labas at pagsisiyasat ng mga kagamitang pampaligsahan, at dahil dito, naging napaka-eksakto ng pagbabalik at paglilipat ng mga kagamitan.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Rhio

Please select the login method