Konstruksyon ng mga venues ng Beijing Winter Olympic Games, tapos na

2021-10-29 12:36:42  CMG
Share with:

Konstruksyon ng mga venues ng Beijing Winter Olympic Games, tapos na_fororder_429ab3887a144789abffd30b0582dce7 (1)

Natapos kahapon ang proyekto ng pag-aayos ng Beijing Nationl Stadium o Bird’s Nest, kung saan idaraos ang sermonya ng pagbubukas at pagsasara ng 2022 Beijing Winter Olympic at Paralympic Games. Sa ngaon tapos na lahat ng gawain ng paggawa at pag-aayos ng mga bagong venues para sa Beijing Winter Olympic Games.
 

Napag-alamang, may 3 competition areas ang Beijing Winter Olympic Games na nasa Beijing, Yanqing at Zhangjiakou. Ayon kay Ding Jianming, isang mataas na opisyal ng munisipilidad ng Beijing, ang lahat ng 8 Competition Venues at 16 Non-Competition Venues sa Beijing at Yanqing ay ini-turn-over na sa komiteng tagapag-organisa at isinasaoperasyon naman ang 31 supporting infrastructures.

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method