Beijing Olympic Winter Park, pinasinayaan

2021-10-28 16:17:41  CMG
Share with:

Sa okasyon ng 100-araw na countdown para sa pagbubukas ng Beijing Olympic Winter Games, pormal na pinasinayaan nitong Martes, Oktubre 26, 2021 ang Beijing Olympic Winter Park.

Beijing Olympic Winter Park, pinasinayaan_fororder_20211028Parke1

Matatagpuan sa Shougang Park, ang nasabing parke ay may kabuuang saklaw na mahigit 171.2 hektarya, at makikita rito ang Shougang Big Air project, Punong Himpilan ng Komiteng Tagapag-organisa ng Beijing Olympic at Paralympic Winter Games, Pangunahing Sentro ng Pagpapatakbo ng Beijing Winter Olympics, grupo ng mga lugar para sa pagsasanay ng winter sports at iba pang gusali.

Beijing Olympic Winter Park, pinasinayaan_fororder_20211028Parke3

Beijing Olympic Winter Park, pinasinayaan_fororder_20211028Parke2

Inihayag ng International Olympic Committee (IOC) na ang nasabing parke ay magsisilbing pinakadakilang pamana ng 2022 Olympic Winter Games.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method