Isinapubliko ngayong araw, Nobyembre 3, 2021, ang mga nagwagi ng 2020 Pambansang Gantimpala sa Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na kinabibilangan ng 5 premyo.
Natamo nina Gu Songfen, Aircraft designer, at Wang Dazhong, dalubhasa sa nuklear, ang State Preeminent Science and Technology Award, pinamakataas na karangalan ng siyensiya sa Tsina.
Samantala, ang grupo na nagsagawa ng pananaliksik sa pagpigil at pagkontrol sa respiratory disease, na pinamumunuan nina Zhong Nanshan, He Jianxing, at Ran Pixin, ay ginawaran ng State Science and Technology Progress Awards.
Itinatag ng Konseho ng Estado ng Tsina ang gantimpalang ito, para bigyang papuri ang mga indibiduwal at organisasyon na nagbigay ng dakilang ambag sa larangan ng siyensiya at teknolohiya.
Bukod dito, binigyan din ng pagkilala ang 264 proyekto na kinabibilangan ng 46 na State Natural Science Award, 61 State Technological Invention Award, at 157 State Scientific and Technological Progress Award.
Tinanggap ng 8 siyentistang dayuhan at isang pandaigdigang organisasyon ang China International Science and Technology Cooperation Award.
Salin:Sarah
Pulido:Mac