Sinabi kahapon, Biyernes, ika-26 ng Pebrero 2021, ni Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na nitong limang taong nakalipas, malalimang lumahok ang kanyang bansa sa pandaigdig na network ng inobasyon, at aktibong isinagawa ang pandaigdigang kooperasyon sa siyensiya at teknolohiya.
Ayon kay Wang, mula 2015 hanggang 2020, isinagawa ng Tsina, kasama ng mahigit 50 bansa at rehiyon, ang magkasanib na pananaliksik, at lumahok sa mga pandaigdigang malaking proyektong pansiyensiya na gaya ng international thermonuclear experimental reactor.
Sa ilalim ng kooperasyong pansiyensiya at pantekonolohiya ng Belt and Road Initiative, mahigit 8,300 dayuhang siyentista ang nagsagawa ng pananaliksik sa Tsina, at itinayo ang 33 magkasanib na loboratoryo sa iba't ibang bansa, dagdag niya.
Sinabi rin ni Wang, na sa hinaharap, bubuuin ng Tsina ang mas bukas, inklusibo, at may mutuwal na kapakinabangan na estratehiya para sa pandaigdigang kooperasyon sa siyensiya at teknolohiya.
Nakahanda aniya ang Tsina, na palalimin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa lahat ng mga bansa, sa pagbabago ng klima, enerhiya, kalusugang pampubliko, pagpigil at pagkontrol sa mga nakakahawang sakit, at iba pang mga aspektong may kinalaman sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Editor: Liu Kai