Talastasan sa isyung nuklear ng Iran, muling sisimulan sa Nobyembre 29

2021-11-04 15:50:48  CMG
Share with:

Ipinatalastas Nobyembre 3, 2021, ni Ali Bagheri Kani, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran, na muling sisimulan sa darating na Nobyembre 29 sa Vienna, Austria ang talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.

Talastasan sa isyung nuklear ng Iran, muling sisimulan sa Nobyembre 29_fororder_01iran

Sinabi ni Bagheri, na sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Enrique Mora, diplomata ng Unyong Europeo, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig, na layon ng talastasan na “alisin ang ilegal at di-makataong mga sangsyon.”

 

Nauna rito, dalawang talastasan ang idinaos nina Bagheri at Mora, at sinang-ayunan nilang muling simulan ang talastasan sa isyung nuklear ng Iran bago ang katapusan ng Nobyembre.

 

Ipinahayag ng Iran na ang pangunahing tema ng darating na talastasan ay pagkansela ng Amerika ng sangsyon sa Iran at pagbalik ng iba’t-ibang panig sa pagsasakatuparan sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method