Sa panahon ng Ika-4 na China International Import Expo (CIIE), idaraos bukas ng gabi, Nobyembre 6, 2021, ang isang online live selling na magtatampok sa mga panindang Asyano at Aprikano.
Sa naturang aktibidad na itinataguyod ng Asian and African Languages Programming Center ng China Media Group (CMG), ipo-promote nina Wang Bingbing, mamamahayag ng CMG, at Li Jiaqi, kilalang-kilalang online live seller, ang mga de-kalidad na paninda mula sa Hapon, Timog Korea, Thailand, Biyetnam, Indonesya, Malaysia, Afghanistan at Timog Aprika.
Layong ibahagi ang napakalaking pagkakataong komersyal ng pamilihang Tsino, i-eere ang livestreaming sa mga media platform ng CMG at isang pangunahing online shop ng Tsina, para maabot ang mas maraming mamimiling Tsino.
Noong panahon ng Ika-3 CIIE, itinaguyod din ng CMG ang dalawang online live selling na nagtampok sa mga paninda ng mga bansang Europeo at Amerikano. Umabot sa mahigit 140 milyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagbebenta.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Xi Jinping: Tsina, pasusulungin ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas
Pangulong Tsino, magtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-4 na CIIE
Halos 3,000 eksibitor mula sa 127 bansa at rehiyon, lalahok sa Ika-4 na CIIE
Pilipinas, planong paabutin sa US$ 500 milyon o higit pa ang halaga ng kasunduan sa Ika-4 na CIIE