31 probinsya ng Tsina, saklaw ng Olympic channel ng CCTV

2021-11-08 16:25:32  CMG
Share with:

Bilang tanging plataporma sa Chinese mainland na nabigyan ng awtorisasyon ng International Olympic Committee (IOC) sa paggamit ng pangalang Olimpiyada at Olympic Rings, naisaoperasyon noong Oktubre 25, 2021 ang Olympic channel at digital platform ng China Central Television (CCTV) - China Media Group (CMG), at ito ay inuulan ng napakalaking pansin ng mga manonood mula sa loob at labas ng Tsina.

Ayon sa estadistika, noong Nobyembre 6, 2021, tumaas sa 11.06 milyong person-time ang arawang bilang ng mga manonood mula sa 2.62 milyong person-time noong Oktubre 25. Ito ay lumaki ng mahigit 420%.

Bukod dito, 31 probinsya ng buong bansa ang saklaw na ngayon ng nasabing CCTV Olympic channel.

Halos 300 milyon ang bilang ng mga gumagamit nito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method