Gaganapin ang Beijing Winter Olympic Games mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 20, 2022.
Alamin natin ang mga bagay tungkol sa ski jumping, isa sa mga laro na itatanghal sa nalalapit na Winter Olympics.
Ang ski jumping, na mula sa Norway, ay nagsisilbing pangunahing laro ng Winter Olympics sapul nang ilunsad ito sa Chamonix Winter Games sa Pransya noong 1924. Ang Chamonix 1924 ay kauna-unahang Winter Olympics sa kasaysayan.
Limang events ng ski jumping ang itatanghal sa Beijing 2022. Kabilang dito ang men's normal hill individual, men's large hill individual, men's team, women's normal hill individual, at mixed team. Ang mixed team ay kauna-unahang gaganapin sa Beijing Winter Olympics.
Ang lahat ng naturang limang event ay idaraos sa National Ski Jumping Center na matatagpuan sa Distrito ng Chongli, Lunsod Zhangjiakou, Lalawigang Hebei sa dakong hilaga ng Tsina. Bukod sa Beijing, ang Zhangjiakou ay isa pang host city ng Beijing 2022.
Ang National Ski Jumping Center ay kilala rin bilang Snow Ruyi.
Ang Ruyi ay pahiyas ng sinaunang Tsina. Animo'y baston, hugis ulap ang ulo, at parang titik na S ang hawakan, ang Ruyi ay may napakagandang disenyo at sumisimblo ng suwerte.
tradisyonal na Ruyi ng Tsina
Ang ski jumping course ng Snow Ruyi, na nagsisilbi ring kauna-unahang permanenteng skiing course ng daigdig ay 164 na metro ang haba, 60 metro ang taas ng tuktok at 34 na metro ang pinakamalapad na bahagi nito.
Snow Ruyi
Sa paligsahan, ang mga talon o jump ay sinusuri sa pamamagitan ng distansya at istilo ng talon ng mga manlalaro. Ang distansya ay sinusukat sa kahabaan ng kurba ng landing hill mula sa takeoff point hanggang sa pinaglalapagan ng manlulukso.
ang manlalarong Tsino na si Chang Xinyue (file photo)
Ang manlalarong si Pius Paschke mula sa Alemanya sa paligsahan ng FIS Ski Jumping World Cup Men Flying Hill Individual sa Planica, Marso 26, 2021.
Salin: Jade
Pulido: Mac