Mga kaalaman sa Beijing Winter Olympics - Alpine Skiing

2021-11-04 16:42:12  CMG
Share with:

Mga kaalaman sa Beijing Winter Olympics - Alpine Skiing_fororder_image001

Tsinong skier na si Zhang Yuxin ang nagpapaligsahan sa 2014 Sochi Winter Olympics

 

Ang alpine skiing o tinatawag ding downhill skiing ay libangang nagsimula sa Europa.

 

Mga kaalaman sa Beijing Winter Olympics - Alpine Skiing_fororder_image007

Mga batang Tsino ang nagsasanay para sa alpine skiing

 

Tampok ng isport na ito ang pagpapadulas sa dalisdis na natatakpan ng niyebe, gamit ang mga ski na may mga fixed-heel binding.

 

Ang alpine skiing ay tinanggap bilang paligsahan sa Winter Olympic Games sapul noong 1936.

 

Mga kaalaman sa Beijing Winter Olympics - Alpine Skiing_fororder_image003

Alpine Skiing Field sa Yanqing District ng Beijing

 

Sa 2022 Beijing Winter Olympics, magpapaligsahan ang mga kalalakihan, kababaihan, at magkahalong kalalakihan at kababaihan sa 11 event ng alpine skiing, na kinabibilangan ng combined, downhill, slalom, giant slalom, at super giant slalom.

 

Ang lahat ng mga paligsahan ay idaraos sa Alpine Skiing Field sa Yanqing District ng Beijing.

 

Mga kaalaman sa Beijing Winter Olympics - Alpine Skiing_fororder_image005

Paligsahan ng giant slalom ng kalalakihan

 

Sa paligsahan, kailangang magpadulas ng mga atleta sa landas na itinakda ng mga pares na bandila.

 

Kung sino ang makakatapos ng karera sa loob ng pinakamaikling panahon, siya ang panalo.

 

Mga kaalaman sa Beijing Winter Olympics - Alpine Skiing_fororder_image009

Babaeng atletang nagpapaligsahan sa giant slalom

 

Ang pagpapadulas sa dalisdis na may anggulong 15 hanggang 30 digri, sa bilis na 90 hanggang 140 kilometro kada oras, ang pinakamalaking hamon sa mga atleta sa alpine skiing.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method