Mataas na pagtasa sa Ika-4 na CIIE, ibinigay ng mga kompanyang dayuhan

2021-11-08 13:24:49  CMG
Share with:

Mataas na pagtasa sa Ika-4 na CIIE, ibinigay ng mga kompanyang dayuhan_fororder_20211108CIIE

Bilang isa sa mga pangunahing aktibidad ng ika-4 na China International Import Expo (CIIE), ginanap nitong Linggo, Nobyembre 7, 2021 sa Shanghai ang 2021 China Import Food Summit at Ika-12 China International Meat Conference.
 

Kaugnay nito, isinaad ng 2021 China Import Food Report na inilabas sa summit, noong unang tatlong kuwarter ng 2021, $USD 101.41 bilyon ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng pagkain ng Tsina, at ito ay lumaki ng 29.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Tinaya ng ulat na lalampas sa 20% ang bahagdan ng paglaki ng kabuuang halaga ng pag-aangkat ng pagkain ng bansa sa buong taon, at patuloy na magiging kaakit-akit ang napakalaking nakatagong lakas ng pamilihang Tsino. Sapul nang idaos ang kauna-unahang CIIE, aktibong sumasali rito ang maraming transnasyonal na kompanya, para hanapin ang pagkakataong komersyal.
 

Hinggil dito, pawang inihayag ng maraming dayuhang eksibitor na susubaybayin nila ang agos ng didyitalisasyon ng Tsina, tuluy-tuloy na magpapalawak ng aktibidad sa pamilihang Tsino, at patitibayin ang kompiyansa sa pag-unlad sa Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method