CMG Komentaryo: Bakit napakarami ang “global debut” sa Tsina?

2021-11-07 12:38:38  CMG
Share with:

Mula Nobyembre 6 hanggang 8, 2021, nakatanghal sa Ika-4 na China International Import Expo (CIIE) ang napakaraming produkto, teknolohiya at serbisyong may “global debut, Asia debut, at China debut.”

Bunga nito, ang CIIE ay nakatakdang maging isang bagong plataporma ng pagpapasigla ng inobasyon, at pagpapasulong ng kooperasyon at komong kaunlaran.

Ang inobasyon ay unang puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan at to rin ay palagiang tampok ng mga nakaraang CIIE.

Sa ika-4 na CIIE, ilalabas ng 62 kalahok na kompanya ang maahigit 100 bagong produkto, modernong teknolohiya, at panibagong serbisyo.

Mahigit kalahati sa mga ito ay unang makikita sa Tsina.

Ipinakikita ng napakaraming “global debut” ang kasiglahan ng kabuhayang Tsino, kompiyansa ng mga kalahok na kompanya sa merkadong Tsino, at kanilang kasabikan upang samantalahin ang pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina.

Ang mahigit 1.4 bilyong populasyon at mahigit 400 milyong middle-income group ay isang napakalaking merkado na di-kayang balewalahin ng anumang transnasyonal na kompanya.

Sa kabilang dako, dahuil sa patuloy na pagbuti ng kapaligirang pangnegosyo ng Tsina, partikular ang walang patid na pagpapalakas sa proteksyon sa karapatan ng pagmamay-aari sa likhang-isip (IPR), mas malaki ang kompiyansa ng mga kompanya sa buong mundo na maglaan ng bagong teknolohiya at produkto sa Tsina.

Bukod dito, magkatugma ang pananalita at kilos ng Tsina sa pagbubukas sa labas, bagay na nakakapagpatatag ng kompiyansa ng mga transnasyonal na kompanya.

Sa seremonya ng pagbubukas ng ika-4 na CIIE, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hindi nagbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas sa mataas na lebel.

Ito aniya ay nag-iwan ng napakalalim na impresyon sa buong daigdig.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method