Sa kanyang talumpati Nobyembre 8, 2021, sa seremonya ng pagbubukas ng Ikalawang China-ASEAN Trade Fair, ipinahayag ni Tiong King Sing, Espesyal na Sugo ng Punong Ministro ng Malaysia sa Tsina, na nitong 2020, ang ASEAN ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina, pangunahing destinasyon ng pamumuhunang Tsino sa labas, at lugar ng pinagmumulan ng direktang puhunang dayuhan.
Aniya, hanggang katapusan ng Hunyo, 2021, lampas sa $USD310 bilyon ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng ASEAN at Tsina sa isa’t-isa.
Binigyan-diin ni Tiong na sa kasalukuyan, matatag na lumalaki ang pamumuhunan at kooperasyon ng ASEAN at Tsina sa iba’t-ibang larangan, at inaasahang susulong pa ang estratehikong relasyong pangkooperasyon ng dalawang panig sa bagong yugto.
Sa panahon ng trade fair, idaraos din ang kauna-unahang “Round Table Meeting ng mga negosyante ng Tsina at ASEAN.”
Salin:Sarah
Pulido:Rhio