Ipinahayag kahapon, Nobymbre 1, 2021 ni Jurin Laksanawisit, Deputy Prime Minister at Minister of Commerce ng Thailand noong ika-28 ng Oktubre, iniharap na ng Thailand, Singapore, Brunei, Laos, Kambodya, Biyetnam ang Liham ng Pag-aproba ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ayon sa regulasyon, dapat may 6 na bansang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at 3 bansang sa labas ng ASEAN ang kailangan para magkabisa ang kasunduan. At tinatayang nakatakdang magkabisa ang RCEP sa Enero 1, 2022.
Sinimulan ng 10 bansang ASEAN ang talastasan ng RCEP noong 2012 at inanyayahan lumahok ang mga dialogue partners tulad ng Australya, Tsina, Indya, Hapon, Timog Korea at New Zealand. Noong Nobyembre ng 2020, nilagdaan ang kasunduan ng 15 bansa.
Salin: Sissi
Pulido: Mac