Ika-38 at ika-39 ASEAN Summit, binuksan sa Brunei

2021-10-26 16:02:11  CMG
Share with:

Bandar Seri Begawan, Kabisera ng Brunei—Binuksan ngayong araw, Oktubre 26, 2021 ang ika-38 at ika-39 na virtual summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ika-38 at ika-39 ASEAN Summit, binuksan sa Brunei_fororder_20211026ASEANSummit1

Nanawagan sa pulong si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, na patuloy na pasulungin ang pagtatatag ng Komunidad ng ASEAN, at masipag na isakatuparan ang pagbangon ng kabuhayang panrehiyon sa post pandemic era.
 

Aniya, lalagumin sa summit ng mga bansang ASEAN ang progreso ng konstruksyon ng Komunidad ng ASEAN, at patuloy na pasusulungin ang pagsasakatuparan ng ASEAN Community Vision 2025.

Ika-38 at ika-39 ASEAN Summit, binuksan sa Brunei_fororder_20211026ASEANSummit2

Karaniwang idinaraos ang dalawang ASEAN Summit tuwing taon. Dahil sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), di-puwedeng idaos ang summit sa unang hati ng taong ito, kaya magkasabay na idinaraos ngayon ang naturang dalawang summit.
 

Ang tema ng kasalukuyang summit ay “We Care, We Prepare, We Prosper.”
 

Ang mga target ng summit ay kinabibilangan ng pagharap sa kapahamakan at pangkagipitang situwasyon, pagkatig sa multilateralismo, pagbangon pagkatapos ng pandemiya, kooperasyon sa pagbili ng mga bakuna, konstruksyon ng Komunidad ng ASEAN at iba pa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method