Pulong na Ministeryal ng APEC, idinaos sa New Zealand

2021-11-09 17:18:35  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, binuksan Nobyembre 9, 2021, sa New Zealand, ang dalawang araw na Pulong na Ministeryal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Pulong na Ministeryal ng APEC, idinaos sa New Zealand_fororder_02apec

Tatalakayin sa pulong ang mga isyung kinabibilangan ng pagpapabilis ng pagbangon ng kabuhayang panrehiyon sa pamamagitan ng inobasyon ng patakarang pangkalakalan at multilateral na kooperasyon, at iba pa.

 

Sa pulong, ibabahagi ang mungkahi hinggil dito ng Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Pacific Economic Cooperation Council (PECC) at Sekretaryat ng Pacific Islands Forum.

 

Babalikan sa pulong ang progreso na natamo ng 2021 APEC at mga narating na komong palagay kaugnay ng mga masusing patakaran, para ilatag ang pundasyon para sa Pulong ng mga Lider ng APEC sa susunod na yugto.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method