Ipinahayag ng Tsina ang pag-asang ang gaganaping APEC Informal Leaders' Retreat ay magpapalabas ng positibong mensahe ng pagtugon sa COVID-19 sa pamamagitan ng solidaridad at mapalalim ang pagtutulungan tungo sa pagpapanumbalik ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko at buong mundo.
Nakatakdang idaos ngayong gabi sa New Zealand, ang APEC Informal Leaders' Retreat.
Ang naturang pag-asa ay winika ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, nitong Huwebes, Hulyo 15, 2021.
Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, kasama ng iba pang mga lider ng APEC ang lalahok sa Retreat, sa pamamagitan ng video conference.
Kabilang sa 21 miyembro ng APEC ang Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, People's Republic of China, Hong Kong ng Tsina, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, The Philippines, The Russian Federation, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, Ustados Unidos, at Vietnam.
Salin: Jade
Pulido: Mac