Tradisyonal na pagkakaibigan at estratehikong pagtitiwalaan, palalawakin ng Tsina at Kambodya

2021-11-10 16:51:15  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati Nobyembre 9, 2021 kay Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya, para sa Ika-68 Anibersaryo ng Pagsasarili ng bansa, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kanyang matibay na pananalig sa tiyak na tagumpay ng Kambodya laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019(COVID-19).

Tradisyonal na pagkakaibigan at estratehikong pagtitiwalaan, palalawakin ng Tsina at Kambodya_fororder_01pangulongxi02

Ani Xi, siguradong matatamo ng Kambodya ang mas malaking bunga sa larangan pagtatayo at pag-unlad.

 

Aniya pa, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Kambodya, at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Haring Norodom Sihamoni, para lalo pang palawakin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, at aktibong itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Kambodya para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method