Ipinagtanggol kamakailan ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya ang kanyang mahigpit na relasyon sa Tsina. Tinukoy niyang ipinagkaloob ng Tsina ang napakalaking pamumuhunan at suportang pinansyal sa kanyang bansa.
Bilang pangunahing tagasuportang pulitikal at pinakamalaking pinagmumulan ng pondo bilang tulong na pangkaunlaran ng Kambodya, ipinagkaloob ng Tsina ang ilang bilyong dolyares na pondo para sa mga proyekto ng imprastruktura ng Kambodya. Pero binatikos ng ilang tao ang labis na pagsandig ng Kambodya sa Tsina.
Bilang tugon sa ganitong pananaw, sinabi ni Hun Sen na di-makatarungan ang nasabing pagbatikos. Aniya, kung hindi aasa sa Tsina, sino ang sasandalan ng Kambodya?
Dagdag niya, kahit nakakuha ang kanyang bansa ng mga AstraZeneca vaccine, sa pamamagitan ng Vaccines Global Access (COVAX), ang karamihan ng suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa kanyang bansa ay galing sa Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Ikalawang pangkat ng bakunang gawa ng Tsina, dumating ng Kambodya
Kambodya, Laos, at Kuwait, suportado ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng HongKong
Pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac ng Tsina, inaprobahan ng Kambodya
PLA, nagkaloob ng bakuna kontra COVID-19 sa hukbo ng Kambodya