Natamong bunga ng Kambodya sa paglaban sa pandemiya, taos-pusong ikinasisiya ng panig Tsino

2021-11-05 11:51:44  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Nobyembre 4, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang lubos na paghanga ng panig Tsino sa isinasagawang hakbangin ng Kambodya sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Aniya, buong lugod na nasaksihan ng panig Tsino ang natamong tagumpay ng Kambodya sa paglaban sa pandemiya.
 

Ayon sa ulat, sa ilalim ng tulong ng Tsina, napakalaking tagumpay ang natamo ng Kambodya sa paglaban sa COVID-19. Nangunguna sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang vaccination rate ito.
 

Samantala, ipinatalastas kamakailan ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya na simula Nobyembre 1, unti-unting aalisin ng kanyang pamahalan ang lockdown sa iba’t ibang lugar, at komprehensibong panunumbalikin ang trabaho’t produksyon.
 

Kaugnay nito, saad ni Wang, susuportahan ng Tsina, tulad ng dati, ang kampanya ng Kambodya laban sa pandemiya, patuloy na palalalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at tutulungan ang Kambodya sa pagpapanumbalik ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method