Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Nobyembre 9, 2021 kay Jean-Yves Le Drian, Ministro ng mga Suliraning Panlabas ng Pransya, ipinahayag ni Hossein Amir-Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran na, tulad ng ibang bansa, ang Iran ay mayroong kapangyarihan sa pagbalangkas ng sariling planong pandepansa, at ito ay isang soberanong karapatan.
Kaya, hindi aniya dapat pansinin ng Iran ang “di-konstruktibong patakaran ng sangsyon” ng Amerika, at buong lakas na paunlarin ang sariling puwersang pandepansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio