Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas Nobyembre 10, 2021, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong isang buwan, mas mataas ng 13.5 porsiyento kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon ang Producer Price Index (PPI).
Ito ang pinakamataas na lebel sapul noong Hulyo, taong 1995.
Samantala, ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina ay mas malaki ng 1.5% noong Oktubre kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Ito rin ay 0.7% na mas mataas kaysa sa nakaraang buwan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio