Olympic Village ng 2022 Beijing Winter Olympic Games, isasaoperasyon sa Enero 23, 2022

2021-11-11 17:51:01  CMG
Share with:

Olympic Village ng 2022 Beijing Winter Olympic Games, isasaoperasyon sa Enero 23, 2022_fororder_src=http___p5.itc.cn_q_70_images03_20200820_d251b5c7d3564ccb9839d54a3d6869fd.jpeg&refer=http___p5.itc

Ayon sa ulat ng Komiteng Tagapag-organisa ng 2022 Beijing Winter Olympic Games, sisimulan ang subok-operasyon ng Olympic Village sa darating na Enero 23, pormal itong isasa-operasyon sa Enero 27, at isasara sa Pebrero 23, 2022.
 

Anito pa, pagseserbisyuhan din ng nasabing Olympic Village ang Paralympics hanggang Pebero 25, 2022.
 

Ang Olympic Village na ito ay matatagpuan sa katimugan ng National Olympic Sports Center at ito ay binubuo ng 20 gusali na sumasaklaw sa 330 libong metro kuwadrado.
 

Maaari nitong bigyang-akomodasyon  ang 2,338 kalahok ng Beijing Winter Olympic Games at 1,040 atletang may kapansanan ng Paralympics.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Rhio

Please select the login method