Ang Shougang Big Air ay isang istadiyum sa distrito ng Shijingshan, Beijing, kabisera ng Tsina.
Ito ang lugar kung saan idaraos ang paligsahan ng “Big Air” sa panahon ng 2022 Beijing Winter Olympics.
Itinatag ang venue na ito sa tuktok ng isang pagawaan ng bakal na isinara bago ang 2008 Summer Olympic Games upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa lunsod ng Beijing.
Noong Enero 2020, natapos ang konstruksyon ng Shougang Big Air na binubuo ng karerahan, tore ng reperi, at lugar para sa mga atleta at manonood.
Kung titingan mula sa malayo, ito ay parang kristal na sapatos sa Cinderella.
Pagkatapos ng 2022 Winter Olympics, ang Shougang Big Air ay magiging kauna-unahang permanenteng istadiyum ng larong Big Air kung saan gaganapin ang mga lokal at internasyonal na mga paligsahan.
Bukod diyan, ito rin ay magsisilbi bilang sentro ng pagsasanay ng mga propesyonal na atleta at grupo, at magiging theme park na bukas sa publiko.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio