Sa harap ng pagbabago ng klima: Tsina, may makatugmang salita at gawa

2021-11-11 16:21:39  CMG
Share with:

Ipinalabas Nobyembre 7, 2021, ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng Tsina ang “Sulat sa Lalo pang Pagpapasulong ng Pambansang Digmaan sa Pangangalaga at Pagkontrol sa Polusyon”.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 10, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa harap sa pagbabago ng klima, magkatuga ang mga pananalita at aksyon ng bansa.

Sa harap ng pagbabago ng klima: Tsina, may makatugmang salita at gawa_fororder_01waijiaobu

Ayon sa naturang Sulat, sa taong 2025, bababa ng 18% ang emisyon ng carbon dioxide bawat unit ng GDP ng bansa kumpara sa lebel nito noong 2020; bababa ng 10% ang intensity ng PM 2.5 sa mga lunsod na nasa o nasa itaas ng prepektural na lebel; at aabot sa 87.5% ang proporsyon ng araw na mayroong mainam na kalidad na hangin.

 

Ayon pa rito, bago ang 2035, matatag na bababa ang emisyon ng karbon matapos marating ang carbon peak emission, at magiging maganda ang ekolohikal na kapaligiran, at matatapos sa kabuuan ang konstruksyon ng kahali-halinang Tsina.

 

Binigyan-diin ni Wang na, ang Sulat ay isa pang bagong hakbangin ng Tsina sa pagsasaayos ng polusyon, pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran, at pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Lubos nitong ipinapakita ang buong tatag na kapasiyahan at aksyon ng Tsina sa harap ng pagbabago ng klima, diin ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method