Magkasanib na deklarasyon hinggil sa pagbabago ng klima, narating ng Tsina at Amerika

2021-11-11 12:07:01  CMG
Share with:

Sa panahon ng United Nations (UN) climate conference sa Glasgow, Scotland, inisyu nitong Miyerkules, Nobyembre 10, 2021 ng Tsina at Amerika ang “China-U.S. Joint Glasgow Declaration on Enhancing Climate Action in the 2020s”.
 

Sa nasabing deklarasyon, ipinahayag ng kapuwa panig ang paghanga sa mga isinasagawang hakbang upang solusyunan ang pagbabago ng klima, at nangako silang patuloy na magpunyagi, kasama ng iba’t-ibang panig, para mapalakas ang pagpapatupad ng Paris Agreement.
 

Batay sa komong responsibilidad na may pagkakaiba at sariling kakayahan at kalagayan ng bansa, sinang-ayunan din ng dalawang bansa na isagawa ang pinalakas na aksyon upang mabisang harapin ang krisis ng klima.
 

Ayon pa sa deklarasyon, isang working group ang bubuuin, para mapasulong ang kooperasyon sa pagbabago ng klima at multilateral na progreso.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method