Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics

2021-11-11 10:51:24  CMG
Share with:

 

Minsa’y ginamit ang Water Cube o National Swimming Center, icon venue ng 2008 Beijing Olympic Games, para sa mga aquatics events na gaya ng swimming, diving at artistic swimming.

Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics_fororder_20211109cube1600

National Swimming Center, ito rin ay Water Cube at Ice Cube.

Sa gaganaping Beijing Winter Olympics at Paralympics, gagamitin din ito para sa mga larong tulad ng curling at wheelchair curling.

Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics_fororder_20211109cube2600

National Swimming Center, ito rin ay Water Cube at Ice Cube.

Sa kasalukuyan, natapos na ang “paglilipat mula tubig sa niyebe” ng nasabing venue at naging Ice Cube ang dati’y Water Cube.

Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics_fororder_20211109cubetayo1600

Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics_fororder_20211109cubetayo2600

Isinasagawa ang konstruksyon ng estruktura ng paglilipat ng punksyon ng National Swimming Center.

Ang “Ice Cube” ay magiging hindi lamang pinakamalaking curling venue sa kasaysayan ng Winter Olympic Games, kundi magiging tanging “venue of two Olympics” na maaaring magsagawa ng aquatics at ice events.

Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics_fororder_20211109curlingvanue1600

Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics_fororder_20211109curlingvanue2600

Curling venue sa 2022 Beijing Winter Olympics.

Bukod dito, ito ay magsisilbing unang Olympic venue sa buong mundo na nagtayo ng curling ice sa itaas ng isang swimming pool.

Pagkatapos ng Beijing Winter Olympics, maisasakatuparan ang malayang paglilipat ng punksyon ng National Swimming Center sa tubig at niyebe. Magsisilbi itong Water Cube habang Tagsibol, Tag-init at Taglagas, at magsisilbi rin itong Ice Cube habang Taglamig.

Water Cube, ginawang Ice Cube para sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics_fororder_20211109estudyante600

Naglakad ang mga estudyante ng Beijing sa Ice Cube para maglaro ng curling.

Samantala, ipagkakaloob nito ang serbisyo sa mga mamamayan para makaranas sila ng curling sports at mapalaganap ang ice sports sa buong bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method