Ipinahayag Nobyembre 12, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsailta ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagpasok ng taong ito, sa paanyaya ng panig Amerikano, dalawang beses na nag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika. Sinang-ayunan ng kapuwang dalawang lider na panatilihin ang madalas na pag-uugnay sa iba’t ibang paraan.

Sa kasalukuyan, mahigpit na nagkokoordinasyon ang Tsina at Amerika hinggil sa kongkretong iskedyul ng pagtatagpo ng dalawang lider sa pamamagitan ng video link.
Umaasa ang Tsina na tatahak ang Amerika patungo sa parehong layunin kasama ng Tsina, para tiyakin ang matagumpay na pagtatagpo ng dalawang lider, at pamunuan ang relasyong Sino-Amerikano na bumalik sa tumpak na landas ng malusog at matatag na pag-unlad.
Salin:Sarah
Pulido:Mac