Tsina, patuloy na ipinagkakaloob ang bakuna sa mga bansang ASEAN

2021-11-15 16:21:05  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 14, 2021, sa mga sugo ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) para sa mga bansang ASEAN hanggang sa pagtatamo ng tagumpay sa paglaban sa pandemiya.

Tsina, patuloy na ipinagkakaloob ang bakuna sa mga bansang ASEAN_fororder_0102wangyi

Aniya, inaasahan din ng Tsina na patuloy na magsisikap, kasama ng ASEAN, para pasulungin ang pagbangon ng kabuhayan, integrasyong panrehiyon, at globalisasyon ng ekonomiya.

 

Ang susunod na taon ay Ika-20 Anibersaryo ng paglalagda ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Kaugnay nito, sinabi ni Wang na batay sa patuloy na komprehensibo at mabisang pagpapatupad ng DOC, pabibilisin ng Tsina at ASEAN ang pagsasanggunian sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito at hanapin ang win-win situation.

 

Lubos namang pinahahalagahan ng mga sugo ng mga bansang ASEAN ang bunga na natamo ng dalawang panig.

 

Pinasalamatan nila ang Tsina sa pagtulong sa rehiyong ito sa paglaban sa COVID-19 at pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan.

 

Sinabi rin nilang, lalo pang palalalimin ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina sa kalakalan, berdeng ekonomiya, pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapalitang kultural, sustenableng pag-unlad at iba pang larangan.

Tsina, patuloy na ipinagkakaloob ang bakuna sa mga bansang ASEAN_fororder_0101wangyi

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method