Tsina at ASEAN, patuloy na palalalimin ang komprehensibong estratehikong partnership

2021-11-16 16:16:46  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa resepsyon bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pangdiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Eksibisyon ng mga kinauukulang larawan, sinabi ni Deng Xijun, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na nitong nakaraang 30 taon, isinakatuparan ng relasyong Sino-ASEAN ang malaking pag-usad sa kaunlaran, na naging modelo ng pinakamatagumpay at pinakamasiglang kooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Inilahad ni Deng ang apat na mungkahi hinggil sa pangkaibigang kooperasyon at pangmatagalang pag-unlad ng dalawang panig:

 

Una, palakasin ang kooperasyon sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ikalawa, pasulungin ang inobasyon at sustenableng pag-unlad.

Ikatlo, pasulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang panig.

Ikaapat, patuloy na igigiit ang multilateralismo at bukas na rehiyonalismo.

 

Samantala, ipinahayag ni Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na inaasahan niya ang matagumpay na pagdaraos ng darating na summit bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pangdiyalogo ng Tsina at ASEAN, para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.

 

Bukod dito, ang mahigit na 40 larawang itinanghal sa eksibisyong nang araw ring iyon ay lubos na nagpapakita ng mga kahanga-hangang panahon sa pagpapalalim ng dalawang panig ng kooperasyon, ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at proseso ng pag-unlad ng Republikang Bayan ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method