CMG Komentaryo: Amerika, hindi dapat biguin ang daigdig!

2021-11-16 12:11:31  CMG
Share with:

Sa panahon ng 2021 United Nations Climate Change Conference (COP26) sa Glasgow, Britanya, pinagtibay nitong Sabado, Nobyembre 13, 2021 ang resolusyon kung saan nagkaroon ng komong palagay hinggil sa mga detalyadong alituntunin ng pagpapatupad ng Paris Agreement.

CMG Komentaryo: Amerika, hindi dapat biguin ang daigdig!_fororder_20211116komentaryo

Ang pagkakaroon ng Tsina at Amerika ng kooperasyon sa larangan ng klima ay nagsilbing isa sa mga susi ng pagpapatibay ng naturang resolusyong may katuturang historikal.
 

Ang China-U.S. Joint Glasgow Declaration on Enhancing Climate Action in the 2020s na magkasanib na inilabas ng kapuwa panig noong Nobyembre 10 ay nakapagpalakas ng kompiyansa ng buong mundo sa pagharap sa pagbabago ng klima.
 

Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, pareho ang pananalita at aksyon ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima. Ipinangako nitong sa loob ng humigit-kumulang 30 taon, isasakatuparan ang pagdating sa peak value ng pagbuga ng karbon tungo sa carbon neutrality. Nangangahulugan itong matatapos ng Tsina ang pagpapababa ng pagbuga ng karbon sa pinakamataas na digri sa buong daigdig.
 

Pero ikinababahala pa rin ng komunidad ng daigdig ang aksyon ng Amerika sa aspektong ito.
 

Ipinalalagay ng tagapag-analisa na ang pabagu-bagong atityud ng panig Amerikano ay pinakamalaking di-tiyak na elemento sa pandaigdigang kooperasyon sa pagbabago ng klima.
 

Sa katunayan, makatwiran ang pagkabahala dito ng komunidad ng daigdig. Sa Amerika, ang patakaran sa klima ay paksang pulitikal na may kinalaman sa laro ng dalawang partido, sa halip ng isang siyentipikong paksa.
 

Mas maganda kaysa pananalita ang aksyon. Hindi dapat muling biguin ng daigdig ang Amerika.
 

Ang mas mahalaga’y dapat malaman ng Amerika na ang pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa ay pagbabayad ng sariling utang sa kasaysayan, sa halip ng charity work.
 

Sa kasalukuyan, kailangang kailangan ng daigdig ang aktuwal na aksyon, at kailangang kailangan din ng Amerika ang totohanang pagpapatupad ng pangako nito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method