Tsina sa Amerika: Tiyakin ang matagumpay na pagtatagpo ng mga pangulo ng dalawang bansa

2021-11-13 16:48:35  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono ngayong araw, Nobyembre 13, 2021, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, tungkol sa gagawing virtual meeting ng mga pangulo ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ni Wang ang pag-asa ng panig Tsino, na tatahak ang Amerika patungo sa parehong layunin kasama ng Tsina, para tiyakin ang tagumpay ng naturang pagtatagpo, at pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas.

 

Aniya, ang malusog at matatag na pag-unlad ng nabanggit na relasyon ay komong hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komunidad ng daigdig.

 

Kaugnay din ng mga maling pananalita kamakailan ng panig Amerikano sa isyu ng Taiwan, sinabi ni Wang, na ipinakikita ng kasaysayan at katotohanan na ang "pagsasarili ng Taiwan" ay pinakamalaking banta sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

 

Hinimok niya ang panig Amerikano, na linawin ang pagtutol nito sa "pagsasarili ng Taiwan," at igiit ang patakarang Isang Tsina.

 

Sinabi naman ni Blinken, na ang virtual meeting ng dalawang lider ay nakakatawag ng napakalaking pansin sa buong daigdig.

 

Dagdag niya, makikipagpalitan ng palagay ang panig Amerikano sa panig Tsino tungkol sa bilateral na relasyon, batay sa diwa ng paggagalangan.

 

Umaasa rin aniya siyang magbibigay ang kapwa panig ng malakas na signal sa daigdig, sa pamamagitan ng naturang pagtatagpo.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method