Pag-uusap ng mga lider ng Tsina at Amerika, nagbigay ng malakas na signal sa dalawang bansa at buong daigdig

2021-11-18 14:55:19  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 17, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panabas ng Tsina, na ang virtual meeting nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika ay nagbigay ng malakas na signal sa dalawang bansa at buong daigdig.

Ipinahayag ni Zhao na kapwa ipinalalagay ng dalawang lider na matapat, konstruktibo, substansiyal, at mabisa ang kanilang pag-uusap. Ito aniya ay makakatulong sa pagpapalalim ng pag-uunawaan ng kapwa panig at pagpapalakas ng positibong ekspektasyonl ng komunidad ng daigdig tungkol sa relasyong Sino-Amerikano.

Dagdag pa niya, sinang-ayunan ng kapwa panig na panatilihin ang kanilang mahigpit na pag-uugnayan sa iba’t-ibang porma para mapasulong ang pagbalik sa tumpak na landas ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method