Kasinungalingang inulit ng isanlibong beses, kasinungalingan pa rin — Tsina

2021-10-31 15:41:31  CMG
Share with:

Kaugnay ng deklasipikadong bersyon ng ulat  tungkol sa pinagmulan ng coronavirus na ipinalabas noong Oktubre 29, 2021 ng Office of the Director of National Intelligence (ODNI) ng Amerika, ipinahayag ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kahit isanlibong beses na ulitin ang isang kasinungalingan, ito ay kasinungalingan pa rin.

Sinabi ni Wang na ang nasabing ulat ay isang ganap na kasinungalingan, at ang esensya nito y isapulitika ang usapin ng pinagmulan ng coronavirus.

Dagdag pa niya niya, ang paghahanap sa pinagmulan ng coronavirus ay isang masalimuot at solemnang isyung pansiyensiya at dapat ito aniyang isagawa ng mga siyentsita ng iba’t-ibang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method