Li Keqiang, dumalo sa World Economic Forum (WEF) Special Virtual Dialogue with Global Business Leaders

2021-11-18 12:17:38  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo Martes ng gabi, Nobyembre 16, 2021 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa World Economic Forum (WEF) Special Virtual Dialogue with Global Business Leaders.
 

Saad ni Li, pagpasok ng kasalukuyang taon, ipinagpapatuloy ang tunguhin ng pagpapanumbalik at pagpapalago ng kabuhayang Tsino, pero nahaharap din ito sa bagong presyur ng pagbaba.
 

Aniya, bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, hindi nagbabago ang pangmalayuang batayan ng pagganda ng kabuhayang Tsino.

Li Keqiang, dumalo sa World Economic Forum (WEF) Special Virtual Dialogue with Global Business Leaders_fororder_20211118LiKeqiangWEF

Patatatagin aniya ng Tsina ang operasyon ng makro-ekonomiya, palalakasin ang cross-cyclical adjustments, patuloy na itatakda at isasagawa ang mga makro-polisya batay sa pangunahing pangangailangan sa pamilihan, ilulusad ang ibayo pang hakbangin sa pagpapababa ng buwis at gastos sa angkop na panahon, at igagarantiyang nasa makatwirang antas ang takbo ng kabuhayan.
 

Tinukoy ni Li na ang pagbubukas sa labas ay pundamental na patakaran ng Tsina. Buong tatag na palalawakin ng bansa ang pagbubukas sa labas, pasusulungin ang kooperasyong pandaigdig, bubuuin ang marketisado, legalisado, internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo, at pangangalagaan ang karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR) alinsunod sa batas.
 

Winewelkam din niya ang patuloy na pamumuhunan ng mga banyagang kompanya sa Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method