Nitong nakalipas na isang panahon, ang pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo ay nagsilbing katwiran ng ilang tao sa pagtutol sa globalisasyong pangkabuhayan. Pero ang katotohanan ay ang pagkontrol sa pandemiya ay depende sa globalisasyon.
Tulad ng sabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa kapipinid na Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF), ang globalisasyong pangkabuhayan ay obdyektibong kahilingan ng pag-unlad ng produktibong lakas ng lipunan at di-maiiwasang resulta ng progreso ng siyensiya’t teknolohiya. Aniya, ang pagpapalaganap ng deglobalisasyon at decoupling, gamit ang pandemiya, ay hindi angkop sa kapakanan ng anumang panig.
Sa kasalukuyan, sa harap ng mga bagong hamong dulot ng pabagu-bagong kalagayan at pandemiya, anong uri ng globalisasyon ang kinakailangan ng daigdig?
“Pananaigan ang agwat na pangkaunalaran sa pagitan ng mga maunlad na bansa at umuunlad na bansa, at magkasamang pasusulungin ang kaunlaran at kasaganaan ng iba’t ibang bansa,” ang sagot ng Tsina tungkol dito ay nakikita sa talumpati ni Pangulong Xi sa Davos Agenda.
Sa harap ng pandemiya ng COVID-19, hanggang sa kasalukuyan, ipinagkaloob ng Tsina ang saklolong laban sa pandemiya sa mahigit 150 bansa at 13 organisasyong pandaigdig; ipinadala ang 36 na grupong medikal sa mga bansang may pangangailangan; at aktibong sinusuportahan at sinasali ang kooperasyong pandaigdig sa bakuna.
Sa harap ng di-balanseng pag-unlad, palagiang isinasagawa ng Tsina ang patakaran sa pagbubukas sa labas, at pinangangalagaan ang kaalwan at katatagan ng global industry chain at supply chain.
Ang pagtatatag ng mas bukas at inklusibong globalisasyon ay di-maaaring umayon sa pagsisikap ng ilang bansa lamang. Sa halip, dapat magkaisa ng palagay ang buong mundo, hindi magsagawa ng nagtatanging pamantayan, alituntunin at sistema, at magpaalis ng hadlang sa kalakalan, pamumuhunan at teknolohiya.
Lalung lalo na, dapat ipagkaloob ang kinakailangang suporta sa mga umuunlad na bansa, igarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanang pangkaunlaran ng mga umuunlad na bansa, at pasulungin ang pagkakapantay-pantay ng karapatan, pagkakataon at alituntunin.
Tulad ng sabi ng pangulong Tsino, “di-malulutas ang lahat ng mga isyung pandaigdig na kinakaharap ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng pagsisikap ng iisang bansa lang, dapat isagawa ang pandaigdigang aksyon, solusyon at kooperasyon.”
Salin: Vera