Ipinahayag Nobyembre 17, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagkaraan ng ilang round na pagsasanggunian, batay sa prinsipyo ng paggalang sa isa’t isa, pantay, at mutuwal na kapakinabangan, narating kamakailan ng Tsina at Amerika ang tatlong komong palagay sa isyu ng bisa ng media at mamamahayag.
Una, sa paunang kondisyon ng mahigpit na pagsusunod sa patakaran ng pagpigil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at regulasyon ng embahada, maaaring normal na lumabas at pumasok sa bansa ang kasalukuyang mamamahayag na permanenteng nagtatrabaho at naninirahan sa kapwa bansa.
Ikalawa, sinang-ayunan ng dalawang panig na ipagkakaloob ang multiple entry visa sa loob ng isang taon para sa mga mamamahayag galing sa magkabilang panig.
Ipinangako ng Amerika na agarang sisimulan ang kinauukulang gawain sa loob ng bansa para lutasin ang isyu ng pagpapatigil sa bisa ng mga mamamahayag na Tsino.
Ipinangako din ng Tsina na pagkaraang ipatupad ang hakbangin ng Amerika, ibibigay ng Tsina ang parehong patakaran.
Ikatlo, ayon sa kinauukulang batas at regulasyon, susuriin at aaprobahan ng Tsina at Amerika ang bisa para sa mga bagong pirmihang mamamahayag.
Umaasa si Zhao na ipapatupad ng Amerika ang pangako, bagad na isasakatuparan ang mga kinauukulang hakbangin, at magkakasamang magsisikap ang dalawang bansa para likhain ang mabuting kondisyon para sa pagtatrabaho at pamumuhay ng mga mamamahayag ng Tsina at Amerika.
Salin:Sarah
Pulido:Mac