Turismo sa mga lugar ng Timog Silangang Asya, muling nabuksan

2021-11-21 11:31:18  CMG
Share with:

Kasunod ng tuluy-tuloy na pagpapaluwag ng limitasyon sa pagpasok sa hanggahan ng mga bansa ng Timog Silangang Asya na gaya ng Thailand, Indonesia, at Cambodia, muling nabuksan nitong Sabado, Nobyembre 20 (local time), 2021 ang Dao Phu Quoc ng Biyetnam na sinalubong nito ang unang grupo ng dayuhang turista nitong 2 taong nakalipas.

Grabeng naaapektuhan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang turismo ng Biyetnam.

Noong taong 2019, 31 bilyong dolyares ang kita ng turismo ng Biyetnam na katumbas ng halos 12% ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansang ito. Halos 18 milyong person-time na dayuhang turista ang naglakbay sa Biyetnam noong taong 2019, ngunit bumaba ito sa 3.8 milyon ang bilang na ito noong nagdaang taon.


Salin: Lito

Please select the login method