Tsina at Biyetnam, ibayo pang palalakasin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership

2021-09-11 18:53:42  CMG
Share with:

Tsina at Biyetnam, ibayo pang palalakasin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership_fororder_8dc988cf05224e05a79806cd8e7f85e2

 

Idinaos kahapon, Setyembre 10, 2021, sa Hanoi, Biyetnam, ang Ika-13 Pulong ng China-Vietnam Steering Committee for Bilateral Cooperation.

 

Nangulo sa pulong sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam.

 

Sinang-ayunan ng dalawang panig, na ibayo pang palakasin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Biyetnam, pasulungin ang pagkakaroon ng bisa ng Regional Comprehensive Economic Partnership sa lalong madaling panahon, at isagawa pa ang mga pragmatikong kooperasyong pandagat.

 

Ipinahayag din ng panig Tsino ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay-tulong sa Biyetnam sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method