Natapos nitong Martes, Nobyembre 9, 2021 ang konstruksyon ng huling tanel para sa high-speed railway patungong hanggahan ng Tsina at Biyetnam.
May kabuuang 8 tanel, iuugnay ng nasabing daambakal na may habang 46.9 kilometro ang Fangchenggang at Dongxing, dalawang lunsod sa Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina.
Sa kasalukuyan, tapos na ang 79% ng konstruksyon ng daambakal.
Makaraan nitong matapos, magiging 20 minuto na lamang ang tagal ng biyahe sa pagitan ng Fangchenggang at Dongxing, mula 90 minuto.
Ang Dongxing ay matatagpuan sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam. Pasusulungin ng nasabing linya ang kalakalan at pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
China-Europe Railway Express, nagdudulot ng kapakinabangan sa kahabaan ng daambakal
Tapos na! Konstruksyon ng pangunahing estruktura ng pinakamahabang tulay sa China-Laos Railway
Kasunduang komersyal ng Subic-Clark railway project na popondohan ng Tsina, nilagdaan
Unang express freight train sa pagitan ng Tsina at Biyetnam, lumisan ng istasyon sa Pingxiang