Lahat ng istasyon ng China-Laos Railway sa loob ng Laos, tapos na ang pagsubok

2021-11-22 16:11:29  CMG
Share with:

Natapos nitong Sabado, Nobyembre 20, 2021 ang pagsubok sa sistema ng paghahatid impormasyon ng mga pasahero sa bahaging Laos ng China-Laos Railway.

Lahat ng istasyon ng China-Laos Railway sa loob ng Laos, tapos na ang pagsubok_fororder_20211122TsinaLaos1

Ito ay nangangahulugang handa na ang passenger service system ng lahat ng 10 istasyon sa buong linya ng naturang daambakal sa loob ng Laos, bagay na nagbigay ng garantiya sa pormal na pagsasaoperasyon ng daambakal sa Disyembre.

Lahat ng istasyon ng China-Laos Railway sa loob ng Laos, tapos na ang pagsubok_fororder_20211122TsinaLaos2

Bilang mahalagang proyekto ng Belt and Road Initiative, ang China-Laos Railway ay mula Kunming, punong lunsod ng Lalawigang Yunnan ng Tsina, patungong Vientiane, kabisera ng Laos.
 

Kabilang dito, 422.4 kilometro ang kabuuang haba ng linya sa loob ng Laos.

Lahat ng istasyon ng China-Laos Railway sa loob ng Laos, tapos na ang pagsubok_fororder_20211122TsinaLaos3

Pagkaraang isaoperasyon ang naturang daambakal, makakapaglatag ito ng mas maginhawang tsanel na pandaigdig para sa pakikipagpalitan sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method