Dalubhasa ng UN: Hinimok ang Amerika na lutasin ang problema nito sa karapatang pantao

2021-11-23 15:39:38  CMG
Share with:

Pagkatapos ng kanyang 14 araw na paglalakbay sa Amerika, hinimok nitong Nobyembre 22, 2021, ni Fernand de Varennes, Espesyal na Rapporteur ng United Nations sa mga isyu ng minorya, ang Amerika na dapat isagawa ang komprehensibong reporma sa lehislasyon, para maiwasan ang mas maraming pananalita ng diskriminasyon at aksyon ng krimeng nakatuon sa minorya.

 

Aniya, hindi rin komprehensibo ang kapaligirang pambatas ng Amerika sa pangangalagaan sa karapatng pantao.

 

Bukod dito, ipinahayag ng dalubhasa ng UN sa karapatang pantao na sa Amerika, kulang ang pambansang lehislasyon sa karapatang pantao na angkop sa pandaigdigang obligasyon.

 

Ipinahayag din niyang dahil sa naturang kakulangan ng Amerika sa larangan ng karapatang pantao, kinakaharap ng ilan milyong Amerikano, partikular na, mga tao ng minoryang grupo, ang grabeng di-pagkapantay at diskriminasyon, at dumarami nang dumarami rin ang mapoot na pananalita at aksyon ng krimen sa Amerika.

Dalubhasa ng UN: Hinimok ang Amerika na lutasin ang problema nito sa karapatang pantao_fororder_02un

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method