Tsina, tutol sa pag-aproba ng Lithuania sa umano’y “Taiwan Office”

2021-11-19 12:17:15  CMG
Share with:

Inihayag Biyernes, Nobyembre 19, 2021 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing protesta at buong tatag na pagtutol ng pamahalaang Tsino sa pag-aproba ng Lithuania sa pagtatayo ng umano’y “Tanggapan ng Taiwan sa Lithuania.”
 

Tinukoy ng tagapagsalitang Tsino na sa kabila ng mariing pagtutol at paulit-ulit na paghimok ng panig Tsino, inaprobahan ng pamahalaang Lithuanian ang pagtatayo ng Taiwan ng nasabing tanggapan.
 

Aniya, ang paglikha ng isang Tsina at isang Taiwan sa daigdig ay lantarang lumalabag sa simulaing isang Tsina, at tumataliwas sa pangakong pulitikal ng panig Lithuanian sa komunike ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Ito ay nakakasira sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at tahasang nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
 

Isasagawa ng panig Tsino ang lahat ng kinakailangang hakbangin, para ipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
 

Dapat isabalikat ng panig Lithuanian ang lahat ng mga bungang dulot nito.
 

Dagdag ng tagapagsalitang Tsino, iisa ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay siyang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan sa buong Tsino.
 

Hiniling ng panig Tsino sa panig Lithuanian na agarang iwasto ang maling disisyon.
 

Matatag na binabalaan din ng Tsina ang awtoridad ng Taiwan na mali ang plano nitong makamit ang umano’y “independiyensya” gamit ang puwersang dayuhan, at tiyak na mabibigo ang tangka nito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method