Noong Nobyembre 18, 2021, sa kabila ng matinding protesta at paulit-ulit na representasyon ng panig Tsino, napahintulutan ng Lithuania ang pagtatatag ng awtoridad ng Taiwan ng "Taiwanese Representative Office in Lithuania."
Ito ay lantarang lumilikha ng maling impresyon ng “Isang Tsina, Isang Taiwan” sa daigdig,” tumataliwas sa nagawang pangakong pulitikal ng Lithuania sa komunike ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina, nakakapinsala sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at walang galang na nanghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinaabot ng panig Tsino ang buong tinding kawalang-kasiyahan at solemnang protesta.
Ipinasiya ng panig Tsino na ibaba ang relasyong diplomatiko sa Lithuania sa chargé d’affaires level.
Salin: Lito